Dinakip ng National Bureua of Imbestigation (NBI) Anti-Human Traficking Division ang isang 16 anyos na babae matapos itong mahuli sa aktong binubugaw ang apat na kapwa niya menor de edad sa Pasay City.
Sa imbestigasiyon ng Pasay Police, inaalok ng suspek sa mga Chinese sa social media platforms ang mga kasama nito sa halagang 2,500 pesos.
Nabatid rin na mahigit dalawang taon na itong ginagawa ng naturang suspek.
Samantala, kakasuhan ang suspek ng human traficking, subalit dahil menor de edad ay ilalagay muna ito sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). – sa panulat ni Mara Valle