Apat umanong Russian ang patay sa inilunsad na airstrike ng US Forces sa Eastern Syria.
Pawang mga mersenaryo ang mga Russong napatay na nakikipag-tulungan sa Syrian pro-government forces sa pakikipag-laban sa mga Kurdish rebel at Islamic State.
Ayon sa Syrian Armed Forces, nasa isandaang (100) sundalo na ang napapatay simula noong Pebrero 7 dahil sa pag-atake ng pinagsanib na pwersa ng US Forces at Kurdish Rebel Groups.
Naganap ang serye ng bakbakan malapit sa Al Tabiyeh at Deir Al-Zour, isa sa mga oil-rich territory na ikinukubli ng mga Syrian.
Sakaling makumpirma ang ulat hinggil sa mga napatay na Russo, ito ang unang beses na direkatang komprontasyon sa pagitan ng Amerika at Russia simula noong Cold War.
—-