Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko kabilang na ang apo ng pinuno ng grupo na si Radullan Sahiron.
Kinilala ni Western Mindanao Command (WesMinCom) Chief Lt/Gen Corleto S. Vinluan Jr. ang mga sumukong ASG members na sina Radzmel Said alyas Amil, Serhamal Bahjin Alli, muknan hadjirudin at Sali Kadil Ammad.
Si alyas amil ay nasa ilalim ng pamumuno ni ASG sub leader Hatib Hajan Sawadjaan habang si Alli na apo ni Sahiron ay nasa ilalim ng pamumuno ni ASG sub leader Alhabsy Misaya.
Sumuko ang mga ito sa mga tauhan ng 6th Special Forces Battalion headquarters sa Brgy. Buhanginan sa bayan ng Patikul, lalawigan ng Sulu.
Ayon sa mga sumuko, napilitan silang magbalik loob dahil sa unti-unting pagbagsak ng kanilang mga pinuno na siyang dahilan upang lalong manghina ang kanilang grupo.