Patay ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa magkakahiwalay na engkwentro ng militar sa Barangay Pamalian, Datu Unsay sa Maguindanao, kahapon.
Kinilala ni Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division Army, ang isa sa mga nasawi na si Ali Abdul Malik, kapatid ni Abu Taraife na unang naka-enkuwentro ng mga militar.
Anak naman ng isang Abu Saiden ang isa pang nasawi habang hindi pa nakikilala ang nalalabi pang dalawa.
11 miyembro naman ng BIFF ang nasugatan sa naturang engkwentro at dinala sa calumpang para malapatan ng lunas.
Ayon pa kay Sobejana, dalawa ang nasugatan sa panig ng militar.
Nagsimula aniya ang engkuwentro nang halughugin nila ang mga pinaghihinalaang kuta ng mga lokal na terorista at maglunsad ng indirektang fire at air strikes at ground assault sa paligid ng mga ito.
Samantala, narekober naman ng mga militar ang ilang war material kabilang na ang mga improvise explosive devices (IEDs).