Apat (4) sa labingtatlong (13) miyembro ng isang football team na na-trap sa isang kuweba sa Chiang Rai, Thailand ang nailigtas na ng mga diver.
Nagsimula ang rescue operations ng Thai Navy Seals kahapon ng umaga at pansamantalang itinigil kinagabihan.
Ayon sa Thai Army, agad dinala ang apat na kabataang lalaki sa ospital.
Inaasahang magbabalik ang mga diver sa rescue operations sa loob ng sampu hanggang dalawampung oras depende sa kalagayan ng panahon at lebel ng tubig sa kuweba.
Rescue ops posibleng tumagal pa hanggang apat na araw
Posibleng tumagal pa nang hanggang apat na araw bago tuluyang mailigtas ang nalalabi pang walong teenage soccer players at kanilang coach na na-trap sa loob ng isang kuweba sa Thailand.
Ayon sa Thai authorities, kanilang pansamantalang itinigil ang rescue operations para magpalit ng mga air tanks sa peligrosong daanan palabas ng kuweba.
Nitong Linggo lamang, matagumpay na nailabas ng mga drivers ang apat sa labing dalawang (12) batang lalaking soccer players na dalawang linggo nang na-trap sa kuweba.
Agad namang dinala sa ospital sa Chiang Rai ang mga nailigtas ng mga bata.
Krista de Dios