Na-bypass ang apat na miyembro ng gabinete sa Commission on Appointments o CA makaraang hindi makumpirma bago mag-adjourn ang sesyon.
Bukod kay Environment Secretary Gina Lopez, na-bypass din sina DSWD Julie Taguiwalo, Agrarian Secretary Rafael Mariano, at Health Secretary Paulyn Ubial.
Dahil dito, kailangang nilang muling maitalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte upang muli silang sumailalim sa confirmation hearing kapag nagbalik ang sesyon sa Mayo.
Samantala, nakalusot na sa Commission on Appointments si Education Secretary Leonor Briones.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno