Nagbalik-loob na sa pamahalaan ang apat na babaeng miyembro ng CPP-NPA sa Ilocos Norte.
Kinilala ang mga sumukong amazona na sina alyas Ka Ligaya, Ka Teresa, Ka Elvie at Ka Marinel, residente ng mga bayan ng Marcos, Vintar at Carasi sa Ilocos Norte.
Ayon kay Maj. Gen. Andrew Costelo, Commander ng 7th Infantry ‘Kaugnay’ Division ng Philippine Army, kasamang isinuko ng mgarebelde ang kanilang m14 rifle, US Remington model 03-a3 rifles at isang sumpak.
Inamin ng apat na na-recruit silanoong kasikatan ng rebeldeng paring katoliko na si Conrado Balweg pero nagpalamig sila nang mapagtanto na sinsero ang gobyerno na tapusin ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng ‘whole-of-nation’ approach. —sa panulat ni Mara Valle