Pansamantalang isasara ang tanggapan ng House of Representatives simula Marso 18 hanggang Marso 21,2021 bilang pag-iingat sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa opisyal na pahayag na inilabas na kamara, lahat ng house members at mga empleyado na kailangan sa scheduled committee meetings, public hearings at iba pang events sa kamara ay magkakaroon ng access sa zoom at livestreaming.
Matatandaang ilan na rin Kongresista ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang na si Representative Martin Romualdez.— sa panulat ni Agustina Nolasco