4 na bagyo pa ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang taong ito.
Ayon ito sa pagasa matapos hagupitin ng magkakasunod na malalakas na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses ang bansa nitong mga nakalipas na linggo.
Sinasabing ang lakas ng bagyong Ulysses ay katumbas ng bagyong Ondoy na nanalasa sa Pilipinas noong 2009 at itinuturing na ika-2 pinaka mapaminsalang bagyo na pumasok sa bansa matapos mag-iwan ng mahigit 700 nasawi at bilyon- bilyong danyos partikular sa agrikultura.