Apat (4) na bansa ang nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga bansang pupuntahan ng Pangulo ang India, South Korea, Australia at Israel.
Aniya, unang magtutungo ang Pangulo sa Delhi para dumalo sa India – Association of Southeast Asian Nations Commerative Summit na gaganapin ngayong Enero.
Posibleng paunlakan ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ng India sa sampung (10) mga ASEAN head of state para sa Republic Day Parade ng nasabing bansa sa Enero 26.
Sinabi naman ni Roque na wala pang detalye ang nakalatag para naman sa pagbisita ng Pangulo sa South Korea, Australia at israel.
Bukod dito, inaasahan din ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa 2018 Asia Pacific Economic Cooperation Leaders Summit sa Papua New Guinea at ASEAN Summit and Related Meetings sa Singgapore.