Apat pang bansa ang inilagay ng Pilipinas sa red list nito kaugnay sa COVID-19 risk classification mula Setyembre 19 hanggang 30.
Kabilang dito, ayon sa IATF ang Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.
Pasok sa red list ang mga bansang nakapagtala ng mahigit 500 kaso ng COVID-19 sa kada 100K population, kaya’t hindi uubrang makapasok ng Pilipinas ang mga magmumula rito maliban na lamang kung mga Pilipino ang sakay sa repatriation o special commercial flights.
Una nang inilagay sa red list ng bansa mula September 12 hanggang 18 ang Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia at Switzerland.