Halos apat na barangay pa sa Metro Manila ang idineklara ng Department of Health na may leptospirosis outbreak.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 22 mula sa 18 ang mga barangay na mayroong outbreak ng leptospirosis.
Apektado na rin aniya ang ilang barangay sa Caloocan City kung saan nakapagtala pa ng tatlong kaso ng sakit sa Barangay 176.
Una nang idineklara ng DOH ang leptospirosis outbreak sa pitong lungsod sa Metro Manila noong Huwebes, Hulyo 5.
Kasabay nito, hinimok ni Duque ang Local Government Units na paigtingin ang rodent control, flood control at istriktong pagpapatupad nang pag kolekta ng basura sa mga lugar.