Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa apat na bayan sa Davao Del Norte.
Batay sa report ng Davao Del Norte Provincial Health Office, kabilang sa mga lugar na ito ang Talaingod, Kapalong, San Isidro at New Corella.
Ayon kay COVID-19 operations center incident commander doctor alfredo lacerona, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang dumaraming bilang ng mga nagpapabakuna sa lalawigan.
Aniya, 76%-78% sa mga nagpo-positibo sa naturang virus ay mga hindi bakunado.
Samantala, inihayag din niya na umabot sa mahigit 108, 859 o halos 80% ang nabakunahang residente sa naturang lugar sa tatlong araw na national vaccination days.—mula sa panulat ni Airiam Sancho