Apat na mga bihag ng Maute Terror Group sa Marawi City ang nakatakas matapos lumangoy nang halos Isang kilometro sa Lake Lanao.
Kwento ng mga bihag, nasa 20 mga batang miyembro ng Maute Group ang nagbabantay sa kanila noong sila ay bihag pa ng teroristang grupo.
Dagdag pa ng mga bihag, kanila ring nakikita si Omar Maute, isa sa mga pinuno ng naturang teroristang grupo sa loob ng Marawi City.
Agosto 4 nang mailigtas ang mga nasabing hostages matapos makatakas at magkaroon ng contact sa Philippine Navy.