Nag-negatibo sa COVID-19 ang apat na biyaherong mula South Africa, kabilang ang isang overseas filipino, na umuwi sa Negros Occidental, noong isang linggo.
Ito ang inanunsyo ng Negros Occidental Provincial Government sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19 Omicron variant, na unang nadiskubre sa South Africa.
Dalawa sa mga biyahero ay dumating sa Pilipinas noong November 24 o bago magpatupad ng travel ban ng mga pasahero mula South Africa.
Bagaman tiniyak ni Governor Eugenio Jose Lacson na kontrolado ang sitwasyon, nanawagan siya sa publiko na mag-ingat at laging sumunod sa minimum public health standards.
Una nang pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko dahil wala pang naitatalang Omicron variant sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino