Narekober ng mga militar ang apat na pampasabog sa Purok 5, Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato.
Ayon pa kay Lt. Silver Belvis, Spokesperson ng 39th Infantry Battalion, hindi rin sila pamilyar sa isa sa apat na nakita nilang pampasabog.
 Hindi nila matiyak kung ito ay pressure-type o command detonated ang naturang bomba.
Paliwanag ni Belvis sa oras kasi na makumpirma nila na isang pressure type ang pampasabog, ito’y paglabag sa comprehensive agreement on the respect for human rights and the international human rights law.