Nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang apat na coastal areas sa Visayas at Mindanao.
Batay sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas kainin ang anumang uri ng shellfish at acetes o alamang na makukuha sa mga sumusunod na lugar:
- MATARINAO BAY SA EASTERN SAMAR
- COASTAL WATERS NG DAUIS AT TAGBILARAN CITY SA BOHOL
- DUMANQUILLAS BAY SA ZAMBOANGA DEL SUR, AT
- LIANGA BAY SA SURIGAO DEL SUR.
Samantala, maliban sa shellfish, ligtas namang kainin ang mga mahuhuling isda, pusit, hipon at alimango sa mga naturang lugar basta’t ito ay huhugasan o lilinising mabuti.