Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng 4 na dam mula sa mga ulang dala ng bagyong Lando.
Sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrologist Richard Orendain na nagdulot din ng pagtaas ng tubig sa mga dam ang backflooding o ang pag-agos ng tubig mula sa mas matataas na lugar patungo sa mga dam at catch basins .
Tiniyak ni Orendain na kontrolado ang release ng tubig mula sa Ambuklao, Binga, San Roque at Magat dams kaya’t walang dapat ipangamba ang publiko.
By Judith Larino