Posibleng naipasa na sa ibang grupo ng mga kidnappers ang 3 dayuhan at 1 Pilipina na dinukot sa isang resort sa Samal Island.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 11 Director, Chief Supt. Wendy Rosario, ito ang nakuha nilang impormasyon sa dalawang suspect na kanilang nadakip.
Positibo anyang kinilala ng mga testigo ang mga suspects at isa sa mga ito ay umamin na ring kasama sa mga umatake sa resort sa Samal Island.
Sa ngayon, sinabi ni Rosario na prayoridad nilang malaman kung ano-anong grupo ang nagsabwatan upang maisagawa ang kidnapping at kung anong grupo ang may hawak ngayon sa hostages.
“Ang nangyari diyan is pasa-pasa, so we want to ascertain kung saan talaga nakapunta, yung ang masusing imbestigasyon ang ginagawa hanggang ngayon, pati yung paggamit ng mga boat ay isinasama natin yan sa imbestigasyon, what we are looking into immediately ay yung sino yung mga tagarito sa area na nagtulung-tulong.” Pahayag ni Rosario.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit