Kinasuhan ang apat na doktor ng Philippine Military Academy o PMA na tumingin kay Cadet Darwin Dormitorio, isang kadete na hinihinalang nasawi dahil sa hazing.
Sa kanyang inihaing reklamo sa Professional Regulation Commission o PRC, sinabi ni Dexter Dormitorio, kapatid ni Darwin, na hindi katanggap tanggap ang pagpapabaya ng mga doktor sa kanyang kapatid nang isugod ito sa PMA Hospital.
Kinuwestyon ni Dexter ang kawalan ng detalye sa medical history ng kapatid sa record ng ospital at kakulangan ng serbisyo na ipinagkaloob dito tulad ng kawalan ng x ray gayung matinding sakit sa tiyan ang inirereklamo ni Darwin.
Una nang nagsampa ng kasong hazing at torture ang pamilya Dormitorio laban kina dating PMA Supt Lt. Gen Ronnie Evangelista at dating PMA commandant of cadets, Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro dahil sa kabiguang mapigilan ang hazing.