Sasabak ang 4 na pinoy mixed martial artists sa isang kompetisyon na gaganapin sa Singapore.
Magpapakitang gilas ang 4 na manlalaro sa lalahukang ONE: Winter Warriors II kung saan, kabilang sa mga mma player ay sina Jhanlo Sangiao na anak ni team Lakay head coach Mark Sangiao, former Brave CF Bantamweight Champion Stephen Loman, ONE Bantamweight World Champion Kevin Belingon at One-time world title challenger at ONE Flyweight grand prix grand finalist na si Danny Kingad.
Sa ngayon wala pang petsa kung kailan maglalaro ang 4 na pinoy mma. —sa panulat ni Angelica Doctolero