Nag-courtesy call kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang ilang foreign ambassadors kahapon sa DepEd Central Office sa Pasig City.
Ayon kay VP Sara, nagpahayag ng suporta si Italian ambassador to the Philippines Marco Clemente sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan at ang pagpapakilala ng italian culture sa bansa, partikular sa musika at teatro.
Sunod namang bumisita sa pangalawang pangulo si Irish Ambassador to the Philippines William John Carlos, kung saan tinalakay ng dalawa ang bilateral relation sa pagitan ng Ireland at Pilipinas.
Bumisita rin kay Vice President Duterte si Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung kung saan tiniyak nito na laging magiging kasangga ng bansa ang Vietnam.
Nakatanggap rin ng painting si Duterte mula sa Vice President ng Vietnam, na isinabit sa conference room ng DepEd.
Sinabi pa ni VP Sara na kabilang sa kanilang napag-usapan ni Lao Ambassador Songkane Luangmuninthone ang kahalagahan ng english language bilang medium of instructions sa mga paaralan.