Inaresto ng mga otoridad ang apat na indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal sa Ecoland Terminal, Brgy 76-A, Davao City.
Kinilala ang mga nadakip na sina, Joel Compo Bunod, 42-anyos; Oloy Delan, 52-anyos; Noel Burilla Saberon, 50-anyos; at Mansor Ewa Son na pawang mga garbage collector.
Ayon sa mga tauhan ng Ecoland Police Station, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned ciizen tungkol sa iligal na aktibidad ng mga suspek.
Nakuha sakanila ang isang set ng baraha at 240 pesos na bet money.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek at nahaharap sa kasong Illegal Gambling. —sa panulat ni Angelica Doctolero