4 na hinihinalang miyembro ng New People’s Army NPA ang patay matapos maka-engkwentro ng militar sa bayan ng Binalbagan, Negros Occidental.
Ayon kay 3rd Infantry Division Commander, Maj. Gen. Benedict Arevalo, nagsasagawa ng operasyon ang mga tropa ng gobyerno nang maganap ang sagupaan sa Barangay Santol, kahapon.
Tumagal anya ng tatlong minuto ang putukan sa pagitan ng mga miyembro ng 94th Infantry Battalion, Negros Occidental Police Provincial Office, binalbagan police at mga rebelde.
Narekober naman sa encounter scene ang ilang mataas na kalibre ng baril at mga personal na kagamitan nga mga hinihinalang NPA member.