Kinasuhan na ang 4 na Hong Kong nationals na naaresto sa tinaguriang Floating Shabu Laboratory sa Subic Zambales.
Sina Win Fai Lo, Shu Fook Leung , Kam Wah Kwok at Kwok Tung Chan ay akusado ng paglabag sa batas na nagbabawal sa pag manufacture at pagdadala ng ipinagbabawal na gamot.
Ang fishing vessel ng 4 na dayuhan ay sinalakay ng otoridad habang naka daong sa katubigan ng barangay Calapandayan Subic Zambales.
Nakuha sa bangka ang isang plastic bag na mayroong hinihinalang shabu.
Nadiskubre rin ang Hydrogenerators Machine na ginagamit sa paggawa ng illegal drugs.
By: Len Aguirre