Apat na indibidwal ang tinamaan ng Delta variant ng COVID-19 matapos umanong dumalo sa isang birthday party sa Cagayan De Oro.
Ayon sa ulat, lima sa mga dumalo ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan apat ang kaso ng delta variant.
Isang hindi pinangalanang indibidwal ang bumyahe umano mula sa kaniyang trabaho sa Bukidnon patungo sa kanilang bahay sa Cagayan De Oro.
Nagsagawa naman ang health authorities ng contact tracing at patuloy na minomonitor ang mga nahawaang indibidwal.
Mababatid na tinukoy ng OCTA research na nasa “critical risk,” ang cagayan de oro city, matapos magtala ng critical levels sa infection rate, intensive care unit (ICU) utilization at positivity rate. —sa panulat ni Hya Ludivico