Pasok ang apat na isla ng bansa sa 2016 World’s Friendliest Islands ng isang magazine na nakabase sa New York.
Ayon sa Department of Tourism pinakamaraming boto ng readers ng Travel Plus Leisure Magazine ang nakuha ng Palawan, Cebu, Luzon at Boracay.
Binigyang diin ni Jess Mc Hugh sa kaniyang artikulo sa website ng magazine na nanguna ang mga nasabing isla sa Pilipinas dahil bukod sa pagiging palakaibigan ng mga Pinoy sa mga turista,magaling din ang mga Pinoy sa pagsasalita ng wikang ingles.
Itinanghal din bilang friendliest island sa buong mundo ang Waiheke ng New Zealand, Ischia sa Italy, Tasmania sa Australia, Fiji Islands, Bali sa Indonesia, Great Barrier Reef Islands, Moorea, Paros, Greece, Bora-Bora, Exhumas, Bahamas at Caye Culker, Belize.
By: Judith Larino