Apat (4) na item sa 2018 National Budget ang ibineto ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang – diin ng Pangulo na base sa kanyang pag aaral ay hindi makatuwiran ang ilang items na makakabawas pa sa pondo ng gobyerno.
Kabilang sa mga inalis ng Pangulo sa budget ang grant para sa monitoring at pondo sa ilang executive offices ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Sinabi ng Pangulo na batay sa Salary Standardization Law, ang lahat ng mga opisyal ng MTRCB ay tumatanggap na ng honoraria at per diem para sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Kasama din sa ibineto ng Pangulo ang probisyon sa batas na nagbabawal sa koleksyon ng bayad ara sa retention o reacquisition ng Philippine citizenship.
Mayroon aniyang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang may otoridad para maningil ng minimal fee sa mga katulad na serbisyo.
Ibinasura din ng Pangulo ang probisyon na pinagtibay ng Department of Education (DepEd) para gamitin ang school maintenance sa kanilang mga operating expenses sa ilang mga proyekto na magsisilbing bahagi ng capital outlay.
Ika–4 na ibineto ng Pangulo ang pagbabawal sa paggamit ng kita ng Energy Regulatory Commission o ERC sa kanilang operating requirements.