Nasawi ang apat na lalaki makaraang tambangan sa Sitio Bakud, Barangay Banah, bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan.
Pahayag ni Basilan Rep. Mujiv Hataman, kabilang sa mga napaslang tserman ng Barangay Matata sa bayan ng Ungkaya Pukan na si Bin Saudi Sarakil.
Kinilala naman ang iba pang biktima na sina Usop Abdul Majid, Kain Manisan at Ibrahim Abdulkarim.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng sasakyan ang mga biktima nang harangin ng isang grupo ng mga armadong lalaki at walang awang niratrat ang mga ito na naging sanhi ng agaran nilang pagkamatay.
Inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan ng mga may kagagawan ng naturang krimen.