Apat na kasunduan ang nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Moon Jae-in ng Republic of South Korea matapos ang kanilang bilateral meeting.
Nasa South Korea ngayon ang Pangulong Duterte para sa 2 araw na Asean Commemorative Summit.
Sakop ng mga kasunduang nalagdaan ang turismo, edukasyon, agriculture at social security concerns.
Nagpasalamat ang pangulo kay Moon sa tulong na ibinigay ng South Korea sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Tinawag pangulo na blood brothers ang Pilipinas at south Korea dahil sa ugnayan nila nuong Korean War.
Kasabay nito ay inimbitahan rin ng pangulo si Moon para sa isang state visit sa 2020.