Sinelyuhan ng Pilipinas at Indonesia ang apat na kasunduang may kinalaman sa ekonomiya, kultura at defense.
Kasunod na rin ito ng state visit ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Indonesia.
Kabilang sa mga nasabing kasunduan ang: plan action sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia mula 2022 hanggang 2027, Memorandum of Understanding sa pagitan ng dalawang bansa hinggil sa cultural cooperation.
Bukod pa ito sa: kasunduan sa cooperative activities sa aspeto ng defense and security sa pagitan ng dalawang bansa at Memorandum of Understanding for Cooperation para sa development and promotion ng creative economy sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas.
Ayon sa Pangulong Marcos, mahaba ang naging pag uusap nila ni Indonesian President Joko Widodo hinggil sa dapat na maging papel ng ASEAN sa mga hamong kinakaharap may kinalaman sa geopolitics hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo.
Nagpasalamat din si PBBM sa Indonesia sa pagtulong nito sa infrastructure programs ng nakalipas na Duterte administration gayundin sa patuloy na commitment ng bansa hindi lamang sa mga programang ito kundi para mapalakas at mapaganda pa ang relasyon ng dalawang bansa.