Lumagda ng ibat-ibang kasunduan ang Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bobong” Marcos Jr., at Indonesian President Jojo Widodo.
Kasunod ito ng unang state visit ni Pangulong Marcos kung saan, sinalubong siya ng military parade kasama ni President Widodo.
Ayon kay PBBM, simula pa lamang ito ng pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ng dalawang pangulo ang Plan of Action na siyang magbabalangkas sa Bilateral Commitments ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.
Kasama din dito ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia hinggil sa pagpapalaganap ng kaalaman, kultura, at mga likhang sining.
Ang ikatlo sa kasunduan ay ang Agreement on Cooperative Activities in the Field of Defense and Security na siya namang magbabalangkas sa kooperasyon at aktibidad upang masiguro ang maayos na depensa at seguridad sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang panghuli naman ay ang Memorandum of Understanding for Cooperation in the Development and Promotion of Creative Economy na siya namang magpapalawig sa Cultural Cooperation para sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas at Indonesia.
Sinabi ni PBBM na kanilang sisikapin at pagtutulungan ang naturang kasunduan para sa kaunlaran at katahimikan ng dalawang bansa.