Nakapagtala ang Department of Health -Davao region ng apat na nasawi dahil sa leptospirosis ngayong taon.
Ayon kay DOH Davao Assistant Regional Director Dr. Gerna Manatad mula ang mga namatay sa lalawigan ng Davao del Norte, Davao City at Davao Occidental.
Kumpara noong 2021, mas mataas ang death toll na naitala ngayong taon.
Samantala, ang mataas na pagkamatay ay dahil sa masamang panahon at tropical cyclones na nagdulot ng pagbaha sa naturang rehiyon.