Arestado ang apat na lalaki dahil umano sa pamemeke ng mga dokumento at mga identification card sa Cotabato City.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa isang establisymento na gumagawa umano ng mga pekeng dokumento na ginagamit sa mga transaksyon sa gobyerno at iba pa.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng NBI ang apat na lalaki na nahaharap sa kasong falsification of documents.
Kaugnay nito, muling pinaalala ng NBI na dumaan lamang sa tamang proseso upang hindi maasunto sa oras na mahulihan ng pekeng dokumento.