Isinailalim sa ‘special concern lockdown’ ang apat na lugar sa lungsod ng Quezon matapos maitala ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na pahayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang mga lugar na nakasailalim sa lockdown ay sa: No. 62 Agno Extension sa Barangay Tatalon; No. 1 Salary Street sa Barangay Sangandaan; No. 54 Interior, Magsalin Street sa Barangay Apolonio Samson; at 9C, 9D, 97 La Felonila Street sa Barangay Damayang Lagi.
Sa kasalukuyan nasa may kabuuang anim na lugar na sa Quezon City ang nakasailalim sa ‘special concern lockdown’ dahil pa rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Nakapagtala naman ng 60 mga pamilya ang apektado sa Agno Extension sa Barangay Tatalon habang limang pamilya sa Salary street sa Barangay Sangandaan ang nakasailalim sa strict quarantine.
Nasa 14 mga kaso naman ang naitala sa Magsalin street kung saan 60 na pamilya ang isinailalim sa lockdown habang nasa 150 mga pamila ang apektado sa La Felonila street.
Samantala, ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon, ang naturang special concern lockdowns ay ipinatutupad kung makikitaan ng posibleng community transmission sa isang lugar.
Ito’y isinasagawa upang kaagad na makontrol at mapigilan ang pagkakahawa-hawa ng mga residente sa naturang lugar.
The Quezon City government has placed four new areas under special concern lockdown following an increase in the number…
Posted by Quezon City Government on Tuesday, 19 January 2021