Tinukoy ng UP-OCTA Research Team ang apat na lungsod sa bansa na itinuturing na top high risk areas para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon sa OCTA report ay dahil nakakapagtala ang Makati City, Baguio City, Mandaluyong City at Lucena City ng mataas na average new cases ng COVID-19 kada araw at critical care occupancy ng hanggang 69% pataas.
Ipinabatid ng OCTA research team na nangunguna ang Makati City sa listahan ng high risk ares matapos makapagtala ng average na 59 coronavirus, 19 cases kada araw at 10% attack rate mula October 11 hanggang 17 at critical care occupancy sa 79% hanggang nitong October 16 samantala ang safe level ng attack rate ay nasa 7%.
Ikalawa naman sa listahan ang Baguio City na bubuksan na sa mas maraming turista ngayong linggo na nakapagtala ng average na 39 new coronavirus, 19 cases kada araw samantalang ang attack rate ay 11% at hospital capacity ay nasa 69%.
Nasa 39 covid, 19 cases kada araw naman ang naitatala sa Mandaluyong City bagamat mababa ang attack rate nito na nasa 8%at hospital capacity sa 75%.
Ika apat sa listahan ang Lucena City sa lalawigan ng Quezon sa naitalang average na 24 covid 19 cases kada araw at 8 % na attack rate bagama’t pumapalo sa 95% ang hospital capacity nito.
Pasok din sa top 10 high risk areas ng OCTA research team ang Pasig City, Iloilo City, Pasay City, Marikina City, Ilagan, Isabela at Batangas City.
Samantala ipinabatid ng OCTA team na bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na ang positivity rate ay nasa 6% at ang reproduction rate ay .7 o mas mababa sa national reproduction rate na .8%.