Apat na lungsod sa Metro Manila ang malapit na sa downward trend ng COVID-19 cases.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na kabilang dito ang Navotas City, Las Piñas City, Malabon City at Pasay.
Aniya, malapit na sa 1 ang reproduction number ng mga nasabing lungsod na nangangahulugan na pababa na ang mga kaso.
Nakapagtala rin ang mga nabanggit na lungsod ng negative one-week growth rate.
Paalala pa ng OCTA, maaaring pang magbago ang mga trend kung kaya’t kailangang mapanatili ng mga lgu ang kanilang pagsisikap upang hindi na tumaas ang mga kaso ng COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico