4 na magkakamag-anak kabilang ang dalawang bata ang patay habang isa pa ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tanza, Cavite.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy sa bahay ng isa sa mga nasawi na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.
Sinabi ng mga imbestigador na nakulong ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan sanhi upang kasamang lamunin ng apoy.
Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago idineklarang fire under control sa pagtutulungan ng may 12 trak ng bumbero mula sa loob at labas ng Cavite.
5 kabahayan na gawa sa konkreto at light materials ang naapektuhan sa sunog.
Tinatayang P 9- M ng mga ari-arian ang napinsala sa sunog na patuloy na iniimbestigahan ang sanhi.