Inaasahang dadalo ang apat (4) na mahistrado ng Korte Suprema sa pagdinig ng kamara sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Lunes, Disyembre 11.
Nakatakdang dumalo sa hearing sina Associate Justice Francis Jardeleza, Samuel Martires at Noel Tijam habang muling haharap sa pagdinig si Associate Justice Teresita Leonardo – De Castro na una nang dumalo noong Nobyembre 29.
Sinasabing hinintay muna ng SC justices ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) En Banc ukol sa kanilang pagdalo hearing ng house justice committee.
Haharap din sa naturang pagdinig si retired Associate Justice Arturo Brion, Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, Clerk of Court Felipa Anama, Judicial and Bar Council (JBC) Executive Officer Annaliza Ty – Capacite at JBC member Jose Mejia.
Una nang ibinunyag ni De Castro sa pagdinig ang pagbuo ni Sereno sa Judiciary Decentralized Office o JDO sa 7th Judicial Region sa pamamagitan ng isang administrative order na wala naman sa kapangyarihan ng Punong Mahistrado.