Makikibahagi ang mga mayayaman sa bansa sa pagsugpo sa droga sa pamamagitan ng pagtulong maipatayo ang mga Drug Rehabilitation Center.
Ayon kay DILG Secretary Leoncio Evasco, plano ng Administrasyong Duterte na magpatayo ng 4 na malalaking rehab sa bansa.
Ipatatayo, aniya, ang 2 rebab sa Luzon at tig-Isa naman sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Evasco na sa ganitong paraan, makatutulong ang mga mayayamang negosyante sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga sa bansa.
By: Avee Divierte