Nailigtas ng mga pulis ang apat na Malaysian national na ikinulong at tinorture daw ng mga Chinese nationals sa San Pedro City, Laguna.
Dinakip ng mga otoridad dahil sa insidente ang nasa 10 Chinese nationals na na pawang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sinabi ni Police Maj. Rannie Lumactod, tagapagsalita ng PNP Anti-Kidnapping Group, nagsawaga sila ng operasyon makaraang makatanggap ng ulat mula sa Chinese interpol kaugnay sa ginawang pagdukot ng mga Chinese suspects sa ilang Malaysian nationals na umano’y hinihingan ng ransom para sa kanilang kalayaan.
Nabatid na hindi rin binibigyan ng sapat na pagkain ang mga biktima na nakararanas pa ng mga pambubugbog sa mismong tanggapan ng POGO.
Nais na sanang layasan ng mga biktima ang kanilang trabaho ngunit hindi nila ito magawa dahIl sa paniningil sa kanila ng mga na nagdala sa kanila dito sa Pilipinas.
Lumalabas sa imbestigayson na illegal din ang POGO operation ng mga suspek na dayuhang Chinese.