Nasa Apat na milyon na ang alipin ng droga sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa mga negosyante sa Davao City.
Ayon sa Pangulo, ang mga Pilipinong ito ay hindi kagaya ng mga alipin na nabibili sa mga palengke sa Middle East kundi mga alipin sa bulsa ng mga kasuklam suklam na mga tao.
Sinabi pa ng Pangulo na ang mga aliping ito ay kinakailangang magnakaw at pumatay para lang masustini ang pagkakulong sa illegal na droga habang natutuwa lamang ang walang kunsensiyang druglords.
Dahil dito muling inulit ng Pangulo ang kanyang banta na papatayin ang mga drug lords at mga drug pushers na hindi titigil sa kanilang masamang bisyo.
By: Aileen Taliping