Ipinasara na ni Environment Secretary Gina Lopez ang apat na kumpanya ng minahan na nag o- operate sa Zambales.
Sinabi ni Lopez na nilabag ng mga kumpanyang ito ang Philippine Mining Act of 1995 at napatunayan na rin ang masamang epekto ng operasyon nito sa kapaligiran at sa kabuhayan ng mga residente.
Ang mga ipinasara ni Lopez ay ang Benguet Corporation – Nickel Mining Incorporated, Eramen Minerals Incorporated, at Zambales Diversified Metals incorporated at LNL Archipelafo Mining Incorporated.
Samantala, ipinasuspinde naman ni Lopez ang operasyon ng Berong Nickel Corporation, Oceana Gold Philippines Incorporated, Lepanto Consolidated Mining Corporation, Citinickel Mines and Development Corporation, Ore Asia Mining Corporation, at Strong Built Mining Development Corporation.
By: Katrina Valle | Report from Monchet Laraño
Photo Credit: @DENR_Official/ Twitter