Nagpadala na ang apat ng miyembro ng Aegis Juris fraternity na sangkot umano sa hazing rites sa law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III ng surrender feeler sa MPD o Manila Police District.
Ayon kay MPD Director Police Chief Superintendent Joel Coronel, patuloy ang isasagawang pagtugis ng mga otoridad sa mga suspek hangga’t hindi lumulutang ang mga ito.
Kinukumpirma na rin ng MPD ang impormasyon na kinakanlong umano ng mga senior member ng Aegis Juris fraternity ang mga sangkot sa hazing kay Atio.
Inamin pa ni Coronel, na isa ito sa dahilan kung bakit sila nahihirapan sa paghahanap ng mga suspek sa pagkamatay ni Atio.