Nasawi ang apat na miyembro ng isang pamilya, habang siyam ang sagutan, matapos sumiklab ang isang sunog sa Brgy. Tinago, Cebu City.
Kinilala ang mga biktimang sina Parolito at Rosita Otadoy; at ang mga anak nitong sina Joseph at Jeffrey, parehong binatilyo. Natagpuan ang pamilya na natusta ng apoy sa loob ng kanilang natupok na tahanan sa Sitio Sta. Lucia.
Sa ulat ni Fire Office 3 Fubert Navarro ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang ala una ng madaling araw nitong Martes, February 27. Mabilis itong kumalat sa mga katabing bahay.
Umabot ang sunog na tumupok sa 16 na kabahayan sa ikaapat na alarma. Agad namang rumesponde ang mga bumbero upang maapula ang apoy na tumagal ng apat na oras.
Tinatayang higit sa P7 million ang halaga ng mga napinsala ng naturang sunog.