Arestado ang apat na indibidwal na bahagi ng sindikatong sangkot sa kidnap for ransom at pagpatay sa mga chinese national.
Kinilala ang mga nadakip na chinese national suspeks na sina Li Tao at Huang Bao Jian, habang tinukoy naman ang Pilipinong itinurong gun supplier na si Marck Rovel De Ocampo alias Erick Isaytono De Ocampo.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nagsagawa sila ng follow up operation laban sa hindi pinangalanang financier at leader ng crime group na isa ring dayuhan.
Dahil dito, nagkaroon ng palitan ng putukan ang mga otoridad at mga suspek, kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makatakas ang mga suspek.
Nag-alarma naman ang mga operatiba sa pnp na arestuhin ang mga suspek kung makita ang kanilang sasakyan sa kanilang Area of responsibility at doon na nga naaresto ang nasabing lider ng sindikato. — sa panulat ni Mara Valle