Apat na miyembro ng Kidnap for Ransom Group ang patay matapos maka-engkwentro ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Carmona, Cavite, pasado alas 4:00 kaninang madaling araw.
Ayon kay PNP-AKG Dir, Senior Supt. Glen Dumlao, kinilala ang mga napatay na sina PO3 Rodel Estonactoc, Police Officers 1 Ramil Espejo at Rolando Albios at kasabwat na sibilyang si Erwin Escobido.
Ito anya ang grupong dumukot at pumatay sa junket operator ng isang casino na si Carlos Abad Tan na ang bangkay ay natagpuan sa isang bangin sa Tagaytay City.
Narekober pa ng mga pulis ang relo ng biktima sa kamay ni Estonactoc habang narekober ang tatlong 9-MM pistol at isang Caliber 45 mula sa mga suspek.