Timbog ang apat na miyembro ng Maute Group sa Lanao Del Sur na sangkot sa ibat ibang krimen.
Nasakot ng joint task force ZAMPELAN o Zamboanga Peninsula and Lanao ang mga suspek na sina Pao Panganga o kilala rin bilang Pao Faizal, Alex Areg Bagul, Alisata Tumao Maute at saadra Macapanton Madayan.
Ayon sa Western Mindanao Command ang mga suspek ay sangkot sa pagpaslang kay Marawi City Director Police Supt Abner Wahab Santos samantalang si Pao Panganga ay dawit naman sa serye nang pagdukot sa nasabing lungsod.
Wanted rin ang mga nasabing suspek sa iba pang krimen tulad ng kidnapping for ransom, gun for hire, carnapping, extortion at illegal drug trade sa Lanao del Sur at Lanao del Norte.
Nasabat sa mga suspek ang matataas na kalibre ng baril, pistol, improvised explosive device at drug paraphernalia.
By: Judith Larino