Patay sa engkuwentro ang apat na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Occidental, Mindoro at Masbate.
Ayon sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dalawang NPA ang nasawi habang isang sundalo naman ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Barangay Malpalon, bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro.
Samantala, nasawi din sa sagupaan sa pagitan ng mga militar ang dalawa pang rebelde sa Barangay Miabas, Palanas, Masbate.
Nakumpiska sa lugar ang tatlong high-powered na baril at isang hand grenade.