Apat na miyembro ng pamilya ang nasawi habang nakaligtas naman ang isa pa matapos masunog ang isang bahay sa Barangay Concepcion sa Virac, Catanduanes kahapon.
Ayon sa mga otoridad, nabalot ng sunog ang ikalawang palapag ng bahay habang natutulog ang nasabing pamilya.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na faulty electrical wiring dahil sa octopus connection ang pinagmulan ng sunog.
Sa ngayon nakaburol na ang mga nasawing biktima sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero